Friday, August 8, 2008

winters' memories




At magpapatalo ba ang bunso...

don't think so.... hahaha




how i wish na sana hindi ako kailangang umalis..
i want to be you 3 for the rest of my life.
(pero syempre hiwalay ng bahay
samin ng magiging asawa ko)

madalas man akong magtampo sa inyo..
kasi feeling ko since ako ang pinakabata,
parang walang ako boses..
di kayo nakikinig kung may payo man ako..
bakit matanda lang ba pwedeng magpayo..

sige nga autmn payuhan mo na nga kami...
wahahha... love you autumn..

di ko makakalimutn part ng life ko yung pghihintay
sa result ng board exam ko..
we're expecting na 1 dy lang after ng last day ng exam lalabas na.
so halos every night gising kami..

si autumn.. every hour my quick count sa pc nila para check..
si spring.. maya maya magtxt na wala pa.
si summer since malapit lang ang PRC sa kanila check kung check sa guard.. hehe

then yung day or rather night na lalabas na yung result,
nasa galaan si autumn.. tapos tinext ko na sila.. napauwi si autumn..
kasi sira pc ko.. kasya sila lang makakapagcheck..

3 am di pa lumalabas ang resut sa net.. pero todo bantay na..
"this is it! this is it!" wika nga ni spring..

4 am.. naghanap talaga ako ng dyaryo..
pero wala parin yung result..

may lumabas na result sa INQ.net,
pero wala dun name ko.. nalungkot naman kami..
nalungkot naman sila... (natouch talaga ako)

then, mga 5 am tumawag si autumn.. tinanong nya whole name ko..
at pasado nga # 210.. haha natuwa kami.. conference naman agad..
tilian at sigawan sa sobrang saya..
napaluha na din ako nun.. kasi di ko talaga expected na papasa ako..

pero ngayon.. Registered Radiologic Technoogist na ako..

thanks sa inyong tatlo.. yung mga times na nalulungkot ako sa sobrang kaba..
lagi kayong nandyan para magpalakas ng loob ko..

i knew it... napaka swerte ko na nakilala ko kayong tatlo..

di man halata.. pero mahal na mahal kayo ni winter..
at kahit saan man ako o kayo mapunta.. hindi mawawala ang seasons...
hindi mapapalitan.. dahil ang seasons ay sesons...


"ang ibat-iba nating pagkatao ang bubuo sa isa
at ang isa ay tayong apat.."

Lovingly yours, Spring

I don't know how to start this letter, lalo pa't nakakasama ko naman kayo almost every week. Magkwento na lang siguro ako nang kahit ano pumasok sa kokote ko.

Lately, napansin niyo naman siguro na medyo preoccupied ako. Ang dami nangyari sa kin.. from the point na magbreak kami ni M 'till the point na magkaissue kay B at siyempre, yung issue about my family.

I don't know yet how to put things in their right directions... pero maybe this is the time that I need to make a stand - after all, dun rin naman yun pupunta. Hay... Goodluck talaga sakin sa Sabado!

Autumn, at first I must admit hindi ikaw yung tipo na makikihalubilo sa isang hamak na katulad ko. The first time I joined the TA group, I always see you as part of a circle of friends tapos ako nasa isang sulok, nakatameme...tahimik lang, kulang na lang abutan ng barya. Ü Pero siyempre, iba na ngayon... sa ating apat, ikaw ang tumatayong Guardian (literal na Guardian ah)! Lovelife wise, career wise, maturity of life - madalas dumedepende kaming tatlo sa 'yo. We all look up to you! Kaya your decisions, most often than not, do make sense. Minsan, nafifeel ko na you always want to be with others kahit pa andiyan na kami - kumpleto tayo. Seloso ako kaya madalas hindi na lang ako umiimik. Minsan iniisip ko, its not Summer who is insensitive - si Autumn. Minsan gusto ko na magtanong..."seryoso kaya sila pag sinasabi nilang plastic ako, do they really mean it?" Ewan ko ba pero ako, mas masaya talaga ako kahit tayong apat lang ang magkakasama - no great walls, no secrets, no hooks! Bulgaran talaga! Hubaran ng pagkatao! Bastusan! Barubal kung barubal... pero at the end of the day, yun pala ang namimiss ko. Sa ating apat, sorry pero si Autumn ang pinakamatalino! Masikreto nga lang... Hehe! It was not Winter who is timid, si Autumn pa rin yun - pero pag bumanat yan, hala lagot! For sure may kasunod ng Patrol yan. Naaalala mo pa ba ang Baguio escapade natin (ay namin pala kase inunahan mo kami...haha). Autumn, you always make sense to me. Whatever that is, siguro tama ka nga... i'll just accept you kahit ano pa 'yun. Mahal kita eh.. yun kasi yun! Huwag mo ko iwan Autumn ah..Labs ka ni Spring eh. Ü

Winter, hindi ku maalala na kasama ka pala sa Pool Party ng TA sa Laguna until nakareceive ako ng invite sa TA... so happen na naging member ka rin that time. Pano na nga ba uli tayo naging close? Oo na sige na... I was clueless then kung sino si Artie nun...Pero I must admit, ikaw ang una kong naging close among all others. Ewan ko, siguro kasi pareho tayong my dugong Kabalen. Mekeni! Mekeni! I never thought na magiging ganito tayo kaClose. Isa ka pa! "Do you really mean it pag sinasabihan mo kong plastic?". Hahahaha...natatawa talaga ako pag may bago tayo nakita taz bulungan na tayo...inookray na yung tao. Hahaha..so mean! Eh yung eksena ka Mike ni Autumn...naaalala mo pa ba? Hahaha..muntik ka na ba mawiwi nun sa takot? Eh yung habol ng habol sa tin sa isang bar sa may Shaw? At nakita natin yung Dean ng school mo sa...ahem.. ahem.. Badtrip nun! bulilyaso ang lakad! Sayang ang miles! Hmfpt! Amongst the four of us, ikaw nga ang pinakabata pero ikaw naman ang pinakamaraming experience. Hanep, saan ka man mapunta...nagugulat na lang ako at may kakilala ka.. at siyempre, may magic spiel ka..."bago lang ako dito" o kaya naman "ahem..ngayon lang ako pumunta dito". Ching* Pero lahat ng ito hinahanap-hanap ko. Specially during those days na medyo busy ang lahat tapos wala munang time para magkita-kita tayo. Buti na lang wala ka pa sa Ireland/Canada! Tama si Autumn, you're one of the sweetest (but i am the most! hahaha..ayaw talaga patalo!) Mahirap na siguro makahanap ng isang Bunsong katulad mo! If Autumn was the Guardian, ikaw naman ang Guradian Angel of the Devil.. wala lang! Btw, napuyat talaga ako nang husto during those times na may quick count tayo regarding your Board Exam! Eng eng ka.. Pero I must admit... it was an achievement nung makita ko name mo on the list! It's all worth the puyats! Alam mo naman... whenever you're happy, we are too! Sooner or later, or maybe someday... nasa Ireland/Canada ka na! Ganun talaga, magkakahiwalay tayo. But when the time comes, never let go of the good memories! Lahat ng ito, we will cherish! I love you, Bunso! Ü

Summer, among the 3 of you...you're the least i am expecting to be close with. Eh pano ba naman - mayabang! feeling! conceited, kala mo kung sino! weird! suplado! Mga badets kasi kayo eh..hmfpt! Pero heto tayo ngayon...tinatawanan na lang 'yung mga yun. Ü Kasi I get to know you more, I get to know who really Summer is (diba Brooke? hahaha...erase! erase! erase!). Hindi mo talaga malalaman ang ugali ng isang tao until you reach to the point na lagi mu siya nakakasama. I'll stand to prove them wrong pag sinabihan ka nila with those words; they should know you better! Naaalala ko pa ang mga...! ching* wag na lang! Hehehe (hay naku for sure tumatawa si Autumn at Winter sa part na 'to). Sa ating apat, ikaw naman ang pinakaResponsible (aside from the fact na ikaw ang heartthrob...kuna paramihan lang ng EXs...aysows...panalong panalo ka!)..Kung meron man siguro na kilala ko ang pagkatao... ikaw yun! I mean the family background, and all. Thank you for sharing those to me, and I mean it! At ikaw naman pala si Guardian Devil of the Angel, kasi yung mga mababait napapasama mo! Hehehe..peace! I must also put credit dun sa sinabi ni Autumn na "you've changed"! Sobrang ibang-iba ka na talaga ngayon. Dati ni hindi ka malapitan..Aba! at ikaw na mismo ang lumalapit ngayon! San ka pa... Saan man tayo mapunta, I will still seek for you! Ang sarap ng pakiramdam pag inaakap mo na kami. You made us feel na you're proud of being with us - being part of us. Mainitin ang ulo mo kaya nga lagi tayo nagaaway, pero we just laugh at it at the end of the day. Hindi ko rin matitiis na mawala ka. Susmaryosep, hindi na kami makakahanap ng 6footer and bulol at baluktot ang dila! hehe Ü Ok na kami na ganyan ka ah...wala na masungit! We love you for who and what you are right now. 'pag iniwan mo kami...sige lang! magkakamatayan na tayo! Ay-ayatenka Summer! Ü

Thursday, August 7, 2008

Summer in Autumn's Eyes

autumn_leaf_brown Summer is the one I've known the longest. Although last year lang kami naging close, I've been hearing a lot about him even before ko sya nakita. I guess it not wrong to say that Summer is the most controversial Season :p

Daming kwento about Summer, like there was a clan that disbanded because of him, madaming nagkakagusto sa kanya, etc. etc. It's not his fault that people are attracted to him. Naiinis ako dati bakit masyado syang conscious of what other people think of him lalo na pag hindi totoo. Pero naintindihan ko na din na pag lagi ka pinaguusapan and gossip is mostly false, you have to protect your reputation.

Summer is the one who has changed the most. Dati sobrang intolerant of other people sya. Pag ayaw nya sayo, ayaw talaga. Mayabang na suplado pa. But now, kitang kita yung difference - He was always kind to the Seasons - but now mas tolerant siya of others.

Swerte yung mga taong Summer considers as a friend. I never understood before bakit madami nagkakagusto sa kanya, I mean kahit na goodlooking ka pero masungit naman... :p pero once pala naging close mo si Summer and you see how sweet and caring kaya nya maging whether to his friends or partner you'll really feel special. (PS: tama si Spring. Pag inakap ka ni Summer matutunaw ka talaga... kasi hindi sya plastic kaya pag nag pakita sya ng caring totoong totoo yun)

He always says He's insensitive.... The Seasons know that's not true.

Winter is an etching, spring a watercolor, summer an oil painting
and autumn a mosaic of them all.
-Stanley Horowitz

Winter in Autumn's Eyes

autumn_leaf_brown Si bunso. Kung isa lang sa kanila makakasama ko on any given time, it has to be Winter. If i spend the day with Spring, parang naiilang ako kasi hindi ko alam kung ano talaga ang gusto nya - agree nalang ng agree; pag si Summer naman lagi kami may debate. Kay Winter parang balanced - we argue about somethings and sinasabi nya kung anong gusto at ayaw nya.

Sya yung heartbreaker. Ewan ko ba, in the one year that I've been with them, si Winter ata mataas ang percentage ng napaiyak. At sya din ang kung saan saan na nakapunta! Laro kung laro but serious when serious.

I can't forget those few days na inaantay namin yung results ng board exams ni Winter. Parang mas tense pa ata ako (well si Spring ang pinaka kabado) kesa kay Winter. Envious ako nun, Wish I had that support when I took my boards :)

Even if he's the youngest, he's the one who usually brings the other 3 of us to our senses when things are going out of control. The voice of reason at yung peacemaker - that's Winter.

By the way, don't believe him when he says his heart is frozen :p

Winter is an etching, spring a watercolor, summer an oil painting
and autumn a mosaic of them all.
-Stanley Horowitz

Spring in Autumn's Eyes

autumn_leaf_brown Among the 3, Spring is the one I think I know the least about and also whom I least understand. Kahit marami syang comments about others, sya yung taong papayag nalang s gusto ng iba to avoid conflcts and confrontations (pero madami syang comment). Nakakainis sa kanya ay clueless ata sya about the people na nagkakagusto sa kanya. Although Summer appears to attract more people, in reality equal sila ni Spring. Summer is the type that people stare at and try to catch the attention of while Spring is the type that people steal glances at.

Short term memory talaga sya pagdating sa faces & names. If you're one of those Spring can't recall, don't take it personally. You have to do something extraordinary to get remembered :p

Among the 4 of us, sya yung hopeless romantic. I think Spring still believes in "happily ever after" (I know cynical ako). As a friend, you can't count on him to point out your mistakes instead those mistakes are overlooked and you're still accepted irregardless of them.

You know I'm not the kind of friend who can just sit quietly by your side nor am I good at listening (si winter ata yun). But the friendship is cherished and appreciated.

Winter is an etching, spring a watercolor, summer an oil painting
and autumn a mosaic of them all.
-Stanley Horowitz

Monday, August 4, 2008

Refusing to Lead

autumn_leaf_brown I know there were many things I said that hurt. Most of them unexpected. That's one of my weaknesses... I never learned how to function properly in group activities and projects if I was in a leading role.

Its easy for me to follow instructions and complete tasks assigned to me, but if i'm the one assigning tasks that's a completely different story.

Elementary... High School... same thing. That's why when I entered college I avoided joining any organization and I rejected any position aside from being a member if I did join.

I'm sorry for the way I acted.

Winter is an etching, spring a watercolor, summer an oil painting
and autumn a mosaic of them all.
-Stanley Horowitz

Friday, June 20, 2008

buhay





sa buhay, dumarating mga bagay na kala natin...

ayun na magdadala satin ng kasayahan..

pero patuloy parin tayong naghahanap ng mga

bagay na inaakala natin maduduot satin ng

matinding kasayahan..

hanggang isipin natin na iwan na ang unagng nagpasaya satin...

madami tayong hinahangad.. na di na natin napapansin ang mga bagay

na hinahanap natin, nasa atin na pala...

SUMMER, madaming naiingit sayo.. magandang mukha, tindig nalalong nagpapakita na ikaw ay ikaw.. di man nila napapansin.. o hindi man nila alam na meron kang napakaganda ding kalooban..at nagpapasalamat ako.. kami... na naparamdam mo ang kabutihan mo samin..

SPRING, matalino ka.. wala kang dapat baguhin kung ano ka ngayon..alam namin na ang mga bumabagabag sayo ang dahilan kung bakit mopilit binabago kung ano ka.. pero tulad ni summer... ikaw ay ikaw.. alam namin sa likod ng iyong mga ngiti, nagtatago ang takot..pero sana, alalahanin mo.. andito kaming mga kapatid mo, di mo kailangang magtago samin.. dahil handa kaming hawakan ang yong kamay at iyong maging gabay..

AUTUMN, hindi nagtatagal ang kagandahang pisikal.. kahit pag pilitan ko na ako ang pinakamabait satin.. alam naming ikaw iyon..ang iyong mga pananaw sa buhay, na patuloy na nagbibigay ng liwanag sa aming mga isipan,ang mga simpleng hirit mo, na talagang kahit lumbay ay napapawi..mga ngiti mong laging nagbibigay samin ng inspirasyon.. na mganda ang buhay kahit ano man o saan man kami naroroon...

ako'y patuloy na nagpapasalamat..

hindi ko kailangan ng magandang tindig..

hindi ko kailangan na maging matalino..

at hindi ko din kailangang maging sobrang bait...

dahil meron na ang mga kapatid kong seasons na mga ito..

"ang ibat-iba nating pagkatao ang bubuo sa isa

at ang isa ay tayong apat.."