Thursday, May 1, 2008

PANAHON


Sa aming anyo kayo'y di magtataka..
sa aming ugali mang iba iba..
tunay na pagkakaibigan ang nasimulan..
magkakaiba man ang nakagisnan..
sabihin man ng iba,
kami'y mga isnabero..
ngunit ugali nami'y sadyang maginoo.
hahaha... teka.. lubha yatang akong naging makata..
nawa'y wag mabahala at ituloy lamang ang inyong pagbasa..
nagsimula ang aming samahan ng ako at si SPRING
ay makapagkwentuhan.. nakilala ang bawat isa
at naging magkaibigan...
namasdan naming itong si AUTUMN..
na may busilak na kalooban..
at naisama na sa aming samahan..
hanggang si SUMMER ay nakilala..
nakagaanan na din ng loob.
sa bawat lakad na kay saya...
sa mga tawanan na nauubusan ng hininga..
sa lungkot na dinaranas ng isa..
nadarama ng bawat isa...
lubos akong nagagalak..
sa lakad ng aking buhay
silay nakadaupang palad..
nawa'y magatagal ang aming samahan..
magkaiba man ang panahon na aming kinaroroonan..
mga kapatid ko... mahal ko kayew....
......WINTER.....