Friday, August 29, 2008

Date??

ayokong sabihing date yun..
baka sabihin assuming ako masyado..
geneto nalang.. lakad barkada.. kahit dalawa lang kami.. hehe

di ko talaga alam kung sasama ako sa kaniyang umalis..
pero at the end.. di ko napigilan sarili ko..
nacurious ako.. ano kaya ang feeling na kasama ko tong tao na to..
ngayong alam na nya na gusto ko siya..
kaya ayun..

nung nakita ko sya.. at nakita din nya ako..
nakita ko sa mga mata nya..(sya ba to? sana hindi)
haha.. pero no choice siya.. ako talaga ang kameet nya..

ayun.. di ko alam kung ano magandang panoorin na movie..
wala kasing maganda.. but i insist na manood kami.. kasi in that way..
kahit wala kaming pinaguusapan.. magkasama kami..
magkatabi...

nilalamig na ako.. nanginginig kamay ko...
so kinuha ko kamay nya... nakita ko nanaman sa mukha nya(bakit?)
haha... parang ayaw bigay.. pero binigay din nya... hiniwakan ko kamay
nya na parang ayoko ng bitiwan..
pero as the movie ends.. kailangan ko na ding bitiwan kamay nya..

tapos.. niyaya ko syang kumain.. sa KFC kami kumain..
ayun... nakapagusap kami.. puro sya kalokohan...

then i realize.. hanggang kalokohan lang talaga lahat para sa kanya..
yung mga sinasabi nya sa phone... madali kong pinaniwalaan..
pero habang kausap ko sya ng personal.. iba nakikita ko...

ako na nagyayang umuwi.. nasasaktan na kasi ako.. sabi ko sa sarili ko..
eto na siguro to.. gumising ka na.. nakita mo na... wag ka ng maging tanga..
so ayun.. dahil plastik ako.. nakangitit parin ako habang kausap sya..

ng makasakay na ako sa fx, binasa ko txt ng isa sa mga kapatid ko..
tapos dumating txt nya.. nag thankyou sya..
ang inisip kong unang replyan ko eh yung kapatid ko..
"gising na ako.. di ako iiyak.. mahal ko talaga ang kumag..
pero nakikita kong di nya ako kayang mahalin"
pero ang katangahan ko.. sa kanya ko pala na send hindi sa kapatid ko..

nagreply sya..
"wag mo na kasing mahalin ang kumag.. nawrong send ka"

ayun... lumabas din.. dahil sa simpleng pagkakamali ko..
naamin din nya na wag ko na syang mahalin.. maybe because di nya
ako kayang mahalin...

in a way... nakatulong din yun paglabas ko kasama sya..
dahil pag naiisip ko sya.. nasasabi ko na ngayon sa sarili ko..
"tama na.. wag ka ng umasa.. tama na yung isang araw na nakasama mo sya"

pero thanks pala sa kanya... libre nya yung sine at dinner.. haha..
nahiya tuloy ako... pero nung tinanong nya ako kung masaya ako....
sinabi ko ang totoo, masaya ako.. pero may part sakin na malungkot..

tapos ayun.. ngayon.. pinipilit kong wag syang itxt.. hehe..
kaya ko yan.. kaya..... kaya..... ",

Tuesday, August 19, 2008

mahal kayo ni winter

haayyy..
this past few days.. i'm in my darkest days of my life...
masyado akong down.. natatakot akong sabihin kela spring and summer..
dahil ang rason ng pagiging down ko ay ang taong ayaw nila para sakin..

isang taon na ng makilala ko kayo.. nakilala ko din ang taong di ko expect
na magugustuhan ko.. na mamahalin ko.. pero that time..
alam kong napaka imposible na magustuhan din nya ako..

hindi dahil hindi ako maganda.. kundi mahal nya ang isa kong kapatid..
nasaktan ako kahit walang karapatan nang magkabalikan sila..

sabi ko sa mga kapatid ko.. ok na ako.. wala sakin yun..
pero pag wala na sila , pag di na sila nakatingin..
patuloy parin akong nasasaktan..

sinubukan kong magkaroon ng relasyon sa iba..
pero in the end.. hindi ko din pala totoong minahal..
siguro natuwa lang ako sa atensyong binigay nila sakin,
na hindi mabibigay ng taong mahal ko..
yup yup.. mahal ko.. di ko alam.. patuloy ko parin syang minamahal..

nagkaroon kai ng clan, nakasali dun yung mahal ko..
in my own simple ways.. pinapakita ko na mahal ko sya..
pero di talaga umubra.. sabi ko titigilan ko na..

hanggang dumating yung araw na nagbiro sya na may gusto sya sakin..
kahit alam kong di totoo, kahit pilit kong sabihin sa sarili kong wag maniwala..
pero umusbong ang hope sa puso ko kahit ayaw ko..

dumating yung time na sinabihan ko sya na
tama na ang biro dahil naaapektuhan na ako..
pero ng nakausap ko sya..
balak nyang seryosohin.. naniwala ako..
umasa. wala akong magawa.. tanga lang.. at totoong mahal ko sya.

madami syang nasabi na matagal ko ng gustong marinig mula sa kanya..
akala ng iba biruan lang ang lahat.. pero samin seryoso na..
isang buong araw akong naging masaya.. halos di ako makatulog..
naghihintay ng kinabukasan para magising na sya at makausap ulit..
pero di na sya nagparamdam.. ilang text ang pinadala ko..
pero walang tugon ni isa..
tanghali na.. ng malaman kong nakipagbalikan sya sa "X" nya..

nasa hospital ako that time.. at feeling ko.. literal na huminto ang lahat ng bagay..
masyado akong nasaktan.. kasi umasa ako.. pero di ko magawang magalit sa kanya..

unang nakaalam si autumn. pero pinakiusapan kong wag sabihin sa dalawa pa.
natatakot kasi akong kausapin ng dalawa yung isa.. at magkagulo..
mag-away.. at maging dahilan ng pagquit nung isa..
ayoko.. kasi para sakin.. yung clan nalang ang connection ko sa kanya..

pinilit kong hindi ipahalata kahit kanino.. pinilit kong magmukang masaya sa text.
pero ang totoo, umiiyak ako habang nagtitext..

pero august 17 ng gabi.. nakumpleto kami, plus dalawa pang bagong ampon(hehe)..
kahit umuwi na ako.. bumalik ako sa trinoma.. makasama lang sila..
nagsuot ulit ako ng maskara na magtatago sa kalungkutan ko..

pero nasa isang lugar kaming lahat.. hawak ko sila.. di ko na napigilan..
masarap sa pakiramdam na yakap ka nila.. na naiilalabas mo sa kanila lahat
ng saloobin mo.. salamat sa balikat at akap.. it really helps me alot.

sanggang kinabukasan.. nakatulog ako.. sa panaginip ko.. umiiyak parin ako..
pero nakakatuwa.. isa sa kanilaang nasa panaginip ko.. at umakap parin sakin..
hinayaan lang akong ilabas sa kanya lahat ng sama ng loob ko..
ussuallty, hindi ko natatandaan mga panaginip ko..
pero iba yun.. tandang tanda ko.. dahil hanggang paggising ko.. umiiyak ako..
pero masaya akodahil naalala ko yun.. dahil alam kong mahal nyo ako..
kahit miserable ako..

i don't know how to thankyou guys.. hindi ko din mapapangakong
makakalimutan ko sya.. na hindi na aasa.. ang mapapangako ko lang..
andito din ako.. dito balikat ko. at mga payat kong brasong
handang umakap sa inyo.. mahal ko kayo... wag nyong kalimutan yan..
kahit minsan na pinagagalitan ko kayo.. concern lang ako..
mahal kayo ni winter...............................................................................

Monday, August 18, 2008

Summer holds..

I was hopeless, wanting to save my relationship but it turned out to be another failure. We'll I guess relationship is'nt really for me.. Ganun talaga, you cant be succesfull in every field. Thanks for the special friends who always makes me smile.. For every moment that we shared, I will always cherish all of those.. Last night lalo ko naramdaman yun! I was not in the mood heading to Araneta Center but after learning na kumpleto Seasons.. Na touch ako! This is one night I will never forget. Naramdaman ko kung gano nyo ko kamahal.. Kung gano kahaba ang pasensya nyo sakin.. Syempre lalo ngayon nadagdagan ang circle of friends with Gelo and Tryke.. Hoping to touch your lives in our simple way. Seasons will always be seasons but its better having you guys around! For Gelo and Spring.. I hope everything works good for both of you! For tryke, you always make your boys cry! Hehehe.. Isang smile lang tunaw na sila! For Rygel and Artie, dadating din yan! Sigurado ako! You all deserved to be loved and happy! As for me, I will prefer to be single and try to know more about me as of the moment.. Yan tuloy di ko alam kung papano tatapusin to. Kayo kasi, you always makes me emotional.. Love you all!

Monday, August 11, 2008

Here Comes Summer

Teka lang ah. bwelo muna.. I dont know how to start this one.. Hinga ulit malalim.. Before kasi okay na ko magbasa nga mga Blogs nyo.. Ngayon kelangan ko na din mag post? hehe.. Autumn, Winter and Spring.. Salamat sa mga comment nyo! Mayabang pala ah.. Suplado at Concieted pa ha? Ano pa huh? But seriously I appreciate those kinds of Critics (tama ba spelling, bobo ko eh.) I mean specially coming from the three of you! Kasi alam ko kayo ang mas nakakakilala sakin! Alam ko that you guys care about me thats why sinasabi nyo yun and yun din ang ginamit ko to change for a better Rain/Amben now! I know I can always be independent but life is is much easier when Im with you guys! or should I say Gurls? Peace!
Here we go..
Autumn.. Always a good friend! Willing to help and listen anytime! Yun nga lang wag mo expect na di ka tatalakankan nyan! Things that you'll surely miss pag wala ka narinig na sa kanya! Hes the type na mahilig mag joke, minsan di siguro nya alam nag jojoke na sya! Mga simpleng banat na kahit me sakit ka or me poblema ka mapapangiti ka! Naalala ko pa, nung first time nakita ko to, gustong gusto ko lapitan at kausapin kaso me bantay! I even asked a friend (ay teka hindi na pala.. hehe.) "kelan ba sila maghihiwalay"? Ang sama ko no? Committed kasi sya that time.. Pero I think God has better plan for us and I am thankfull na ngayon hindi lang sya isang crush! Di lang din simpleng kaibigan! Hes more than a brother! Tama si Spring and Winter! Sya pinaka insensitive pero mararamdaman mo talaga pagmamahal neto! I always believed in you Autumn! I will always be here! Walang makakasakit sayo!
Winter.. hindi ba ang totoong suplado sating apat? Naku minsan talaga natatawa ako pag pinag sasabihan ako neto pero pag wala na sya at naisip ko mga sinasabi nya.. Sobrang laki ng impact sakin! Sa sobrang dami na siguro nagawa sa buhay, kaya madaming na share samin! Things you'll never expect from a forzen hearted guy daw! (Bobby ohhhh...) Yeah, laro kung laro pero di mo kakayanin pag nagseryoso to! Para akong nauupos na kandila pag naririnig ko umiiyak ang bunso namin dati! Salamat! Kahit ilang ulit sabihin yung word na yun, di pa din matutumbasan yung mga bagay na napa realize mo sakin! Walang iwanan please?
Spring.. Hi Brooke.. Oist tsismis na naman yan! Haha! Madami talaga mga bagay na unexpected! Minsan kahit mahal mo ang isang tao, di mo maiwasan masaktan sya but this guy made a difference in me! He never let me fall kahit ako me malaking kasalanan! He never let me go! Mahirap pero ginawa nyang madali! Ngayon ko lang nasabi to.. I never had a chance.. Pero eto pa din kami.. Magkapatid! at yung ang di ko kaya na mawala pa! Too much for him, I guess its my time to tell you, "I'll never let you go"! Sis!
Walang magbabago! Walang iwanan! Sana.. Hate to think mangyayari yun.. Te Amo Seasons!

Friday, August 8, 2008

winters' memories




At magpapatalo ba ang bunso...

don't think so.... hahaha




how i wish na sana hindi ako kailangang umalis..
i want to be you 3 for the rest of my life.
(pero syempre hiwalay ng bahay
samin ng magiging asawa ko)

madalas man akong magtampo sa inyo..
kasi feeling ko since ako ang pinakabata,
parang walang ako boses..
di kayo nakikinig kung may payo man ako..
bakit matanda lang ba pwedeng magpayo..

sige nga autmn payuhan mo na nga kami...
wahahha... love you autumn..

di ko makakalimutn part ng life ko yung pghihintay
sa result ng board exam ko..
we're expecting na 1 dy lang after ng last day ng exam lalabas na.
so halos every night gising kami..

si autumn.. every hour my quick count sa pc nila para check..
si spring.. maya maya magtxt na wala pa.
si summer since malapit lang ang PRC sa kanila check kung check sa guard.. hehe

then yung day or rather night na lalabas na yung result,
nasa galaan si autumn.. tapos tinext ko na sila.. napauwi si autumn..
kasi sira pc ko.. kasya sila lang makakapagcheck..

3 am di pa lumalabas ang resut sa net.. pero todo bantay na..
"this is it! this is it!" wika nga ni spring..

4 am.. naghanap talaga ako ng dyaryo..
pero wala parin yung result..

may lumabas na result sa INQ.net,
pero wala dun name ko.. nalungkot naman kami..
nalungkot naman sila... (natouch talaga ako)

then, mga 5 am tumawag si autumn.. tinanong nya whole name ko..
at pasado nga # 210.. haha natuwa kami.. conference naman agad..
tilian at sigawan sa sobrang saya..
napaluha na din ako nun.. kasi di ko talaga expected na papasa ako..

pero ngayon.. Registered Radiologic Technoogist na ako..

thanks sa inyong tatlo.. yung mga times na nalulungkot ako sa sobrang kaba..
lagi kayong nandyan para magpalakas ng loob ko..

i knew it... napaka swerte ko na nakilala ko kayong tatlo..

di man halata.. pero mahal na mahal kayo ni winter..
at kahit saan man ako o kayo mapunta.. hindi mawawala ang seasons...
hindi mapapalitan.. dahil ang seasons ay sesons...


"ang ibat-iba nating pagkatao ang bubuo sa isa
at ang isa ay tayong apat.."

Lovingly yours, Spring

I don't know how to start this letter, lalo pa't nakakasama ko naman kayo almost every week. Magkwento na lang siguro ako nang kahit ano pumasok sa kokote ko.

Lately, napansin niyo naman siguro na medyo preoccupied ako. Ang dami nangyari sa kin.. from the point na magbreak kami ni M 'till the point na magkaissue kay B at siyempre, yung issue about my family.

I don't know yet how to put things in their right directions... pero maybe this is the time that I need to make a stand - after all, dun rin naman yun pupunta. Hay... Goodluck talaga sakin sa Sabado!

Autumn, at first I must admit hindi ikaw yung tipo na makikihalubilo sa isang hamak na katulad ko. The first time I joined the TA group, I always see you as part of a circle of friends tapos ako nasa isang sulok, nakatameme...tahimik lang, kulang na lang abutan ng barya. Ü Pero siyempre, iba na ngayon... sa ating apat, ikaw ang tumatayong Guardian (literal na Guardian ah)! Lovelife wise, career wise, maturity of life - madalas dumedepende kaming tatlo sa 'yo. We all look up to you! Kaya your decisions, most often than not, do make sense. Minsan, nafifeel ko na you always want to be with others kahit pa andiyan na kami - kumpleto tayo. Seloso ako kaya madalas hindi na lang ako umiimik. Minsan iniisip ko, its not Summer who is insensitive - si Autumn. Minsan gusto ko na magtanong..."seryoso kaya sila pag sinasabi nilang plastic ako, do they really mean it?" Ewan ko ba pero ako, mas masaya talaga ako kahit tayong apat lang ang magkakasama - no great walls, no secrets, no hooks! Bulgaran talaga! Hubaran ng pagkatao! Bastusan! Barubal kung barubal... pero at the end of the day, yun pala ang namimiss ko. Sa ating apat, sorry pero si Autumn ang pinakamatalino! Masikreto nga lang... Hehe! It was not Winter who is timid, si Autumn pa rin yun - pero pag bumanat yan, hala lagot! For sure may kasunod ng Patrol yan. Naaalala mo pa ba ang Baguio escapade natin (ay namin pala kase inunahan mo kami...haha). Autumn, you always make sense to me. Whatever that is, siguro tama ka nga... i'll just accept you kahit ano pa 'yun. Mahal kita eh.. yun kasi yun! Huwag mo ko iwan Autumn ah..Labs ka ni Spring eh. Ü

Winter, hindi ku maalala na kasama ka pala sa Pool Party ng TA sa Laguna until nakareceive ako ng invite sa TA... so happen na naging member ka rin that time. Pano na nga ba uli tayo naging close? Oo na sige na... I was clueless then kung sino si Artie nun...Pero I must admit, ikaw ang una kong naging close among all others. Ewan ko, siguro kasi pareho tayong my dugong Kabalen. Mekeni! Mekeni! I never thought na magiging ganito tayo kaClose. Isa ka pa! "Do you really mean it pag sinasabihan mo kong plastic?". Hahahaha...natatawa talaga ako pag may bago tayo nakita taz bulungan na tayo...inookray na yung tao. Hahaha..so mean! Eh yung eksena ka Mike ni Autumn...naaalala mo pa ba? Hahaha..muntik ka na ba mawiwi nun sa takot? Eh yung habol ng habol sa tin sa isang bar sa may Shaw? At nakita natin yung Dean ng school mo sa...ahem.. ahem.. Badtrip nun! bulilyaso ang lakad! Sayang ang miles! Hmfpt! Amongst the four of us, ikaw nga ang pinakabata pero ikaw naman ang pinakamaraming experience. Hanep, saan ka man mapunta...nagugulat na lang ako at may kakilala ka.. at siyempre, may magic spiel ka..."bago lang ako dito" o kaya naman "ahem..ngayon lang ako pumunta dito". Ching* Pero lahat ng ito hinahanap-hanap ko. Specially during those days na medyo busy ang lahat tapos wala munang time para magkita-kita tayo. Buti na lang wala ka pa sa Ireland/Canada! Tama si Autumn, you're one of the sweetest (but i am the most! hahaha..ayaw talaga patalo!) Mahirap na siguro makahanap ng isang Bunsong katulad mo! If Autumn was the Guardian, ikaw naman ang Guradian Angel of the Devil.. wala lang! Btw, napuyat talaga ako nang husto during those times na may quick count tayo regarding your Board Exam! Eng eng ka.. Pero I must admit... it was an achievement nung makita ko name mo on the list! It's all worth the puyats! Alam mo naman... whenever you're happy, we are too! Sooner or later, or maybe someday... nasa Ireland/Canada ka na! Ganun talaga, magkakahiwalay tayo. But when the time comes, never let go of the good memories! Lahat ng ito, we will cherish! I love you, Bunso! Ü

Summer, among the 3 of you...you're the least i am expecting to be close with. Eh pano ba naman - mayabang! feeling! conceited, kala mo kung sino! weird! suplado! Mga badets kasi kayo eh..hmfpt! Pero heto tayo ngayon...tinatawanan na lang 'yung mga yun. Ü Kasi I get to know you more, I get to know who really Summer is (diba Brooke? hahaha...erase! erase! erase!). Hindi mo talaga malalaman ang ugali ng isang tao until you reach to the point na lagi mu siya nakakasama. I'll stand to prove them wrong pag sinabihan ka nila with those words; they should know you better! Naaalala ko pa ang mga...! ching* wag na lang! Hehehe (hay naku for sure tumatawa si Autumn at Winter sa part na 'to). Sa ating apat, ikaw naman ang pinakaResponsible (aside from the fact na ikaw ang heartthrob...kuna paramihan lang ng EXs...aysows...panalong panalo ka!)..Kung meron man siguro na kilala ko ang pagkatao... ikaw yun! I mean the family background, and all. Thank you for sharing those to me, and I mean it! At ikaw naman pala si Guardian Devil of the Angel, kasi yung mga mababait napapasama mo! Hehehe..peace! I must also put credit dun sa sinabi ni Autumn na "you've changed"! Sobrang ibang-iba ka na talaga ngayon. Dati ni hindi ka malapitan..Aba! at ikaw na mismo ang lumalapit ngayon! San ka pa... Saan man tayo mapunta, I will still seek for you! Ang sarap ng pakiramdam pag inaakap mo na kami. You made us feel na you're proud of being with us - being part of us. Mainitin ang ulo mo kaya nga lagi tayo nagaaway, pero we just laugh at it at the end of the day. Hindi ko rin matitiis na mawala ka. Susmaryosep, hindi na kami makakahanap ng 6footer and bulol at baluktot ang dila! hehe Ü Ok na kami na ganyan ka ah...wala na masungit! We love you for who and what you are right now. 'pag iniwan mo kami...sige lang! magkakamatayan na tayo! Ay-ayatenka Summer! Ü

Thursday, August 7, 2008

Summer in Autumn's Eyes

autumn_leaf_brown Summer is the one I've known the longest. Although last year lang kami naging close, I've been hearing a lot about him even before ko sya nakita. I guess it not wrong to say that Summer is the most controversial Season :p

Daming kwento about Summer, like there was a clan that disbanded because of him, madaming nagkakagusto sa kanya, etc. etc. It's not his fault that people are attracted to him. Naiinis ako dati bakit masyado syang conscious of what other people think of him lalo na pag hindi totoo. Pero naintindihan ko na din na pag lagi ka pinaguusapan and gossip is mostly false, you have to protect your reputation.

Summer is the one who has changed the most. Dati sobrang intolerant of other people sya. Pag ayaw nya sayo, ayaw talaga. Mayabang na suplado pa. But now, kitang kita yung difference - He was always kind to the Seasons - but now mas tolerant siya of others.

Swerte yung mga taong Summer considers as a friend. I never understood before bakit madami nagkakagusto sa kanya, I mean kahit na goodlooking ka pero masungit naman... :p pero once pala naging close mo si Summer and you see how sweet and caring kaya nya maging whether to his friends or partner you'll really feel special. (PS: tama si Spring. Pag inakap ka ni Summer matutunaw ka talaga... kasi hindi sya plastic kaya pag nag pakita sya ng caring totoong totoo yun)

He always says He's insensitive.... The Seasons know that's not true.

Winter is an etching, spring a watercolor, summer an oil painting
and autumn a mosaic of them all.
-Stanley Horowitz

Winter in Autumn's Eyes

autumn_leaf_brown Si bunso. Kung isa lang sa kanila makakasama ko on any given time, it has to be Winter. If i spend the day with Spring, parang naiilang ako kasi hindi ko alam kung ano talaga ang gusto nya - agree nalang ng agree; pag si Summer naman lagi kami may debate. Kay Winter parang balanced - we argue about somethings and sinasabi nya kung anong gusto at ayaw nya.

Sya yung heartbreaker. Ewan ko ba, in the one year that I've been with them, si Winter ata mataas ang percentage ng napaiyak. At sya din ang kung saan saan na nakapunta! Laro kung laro but serious when serious.

I can't forget those few days na inaantay namin yung results ng board exams ni Winter. Parang mas tense pa ata ako (well si Spring ang pinaka kabado) kesa kay Winter. Envious ako nun, Wish I had that support when I took my boards :)

Even if he's the youngest, he's the one who usually brings the other 3 of us to our senses when things are going out of control. The voice of reason at yung peacemaker - that's Winter.

By the way, don't believe him when he says his heart is frozen :p

Winter is an etching, spring a watercolor, summer an oil painting
and autumn a mosaic of them all.
-Stanley Horowitz

Spring in Autumn's Eyes

autumn_leaf_brown Among the 3, Spring is the one I think I know the least about and also whom I least understand. Kahit marami syang comments about others, sya yung taong papayag nalang s gusto ng iba to avoid conflcts and confrontations (pero madami syang comment). Nakakainis sa kanya ay clueless ata sya about the people na nagkakagusto sa kanya. Although Summer appears to attract more people, in reality equal sila ni Spring. Summer is the type that people stare at and try to catch the attention of while Spring is the type that people steal glances at.

Short term memory talaga sya pagdating sa faces & names. If you're one of those Spring can't recall, don't take it personally. You have to do something extraordinary to get remembered :p

Among the 4 of us, sya yung hopeless romantic. I think Spring still believes in "happily ever after" (I know cynical ako). As a friend, you can't count on him to point out your mistakes instead those mistakes are overlooked and you're still accepted irregardless of them.

You know I'm not the kind of friend who can just sit quietly by your side nor am I good at listening (si winter ata yun). But the friendship is cherished and appreciated.

Winter is an etching, spring a watercolor, summer an oil painting
and autumn a mosaic of them all.
-Stanley Horowitz

Monday, August 4, 2008

Refusing to Lead

autumn_leaf_brown I know there were many things I said that hurt. Most of them unexpected. That's one of my weaknesses... I never learned how to function properly in group activities and projects if I was in a leading role.

Its easy for me to follow instructions and complete tasks assigned to me, but if i'm the one assigning tasks that's a completely different story.

Elementary... High School... same thing. That's why when I entered college I avoided joining any organization and I rejected any position aside from being a member if I did join.

I'm sorry for the way I acted.

Winter is an etching, spring a watercolor, summer an oil painting
and autumn a mosaic of them all.
-Stanley Horowitz