ayokong sabihing date yun..
baka sabihin assuming ako masyado..
geneto nalang.. lakad barkada.. kahit dalawa lang kami.. hehe
di ko talaga alam kung sasama ako sa kaniyang umalis..
pero at the end.. di ko napigilan sarili ko..
nacurious ako.. ano kaya ang feeling na kasama ko tong tao na to..
ngayong alam na nya na gusto ko siya..
kaya ayun..
nung nakita ko sya.. at nakita din nya ako..
nakita ko sa mga mata nya..(sya ba to? sana hindi)
haha.. pero no choice siya.. ako talaga ang kameet nya..
ayun.. di ko alam kung ano magandang panoorin na movie..
wala kasing maganda.. but i insist na manood kami.. kasi in that way..
kahit wala kaming pinaguusapan.. magkasama kami..
magkatabi...
nilalamig na ako.. nanginginig kamay ko...
so kinuha ko kamay nya... nakita ko nanaman sa mukha nya(bakit?)
haha... parang ayaw bigay.. pero binigay din nya... hiniwakan ko kamay
nya na parang ayoko ng bitiwan..
pero as the movie ends.. kailangan ko na ding bitiwan kamay nya..
tapos.. niyaya ko syang kumain.. sa KFC kami kumain..
ayun... nakapagusap kami.. puro sya kalokohan...
then i realize.. hanggang kalokohan lang talaga lahat para sa kanya..
yung mga sinasabi nya sa phone... madali kong pinaniwalaan..
pero habang kausap ko sya ng personal.. iba nakikita ko...
ako na nagyayang umuwi.. nasasaktan na kasi ako.. sabi ko sa sarili ko..
eto na siguro to.. gumising ka na.. nakita mo na... wag ka ng maging tanga..
so ayun.. dahil plastik ako.. nakangitit parin ako habang kausap sya..
ng makasakay na ako sa fx, binasa ko txt ng isa sa mga kapatid ko..
tapos dumating txt nya.. nag thankyou sya..
ang inisip kong unang replyan ko eh yung kapatid ko..
"gising na ako.. di ako iiyak.. mahal ko talaga ang kumag..
pero nakikita kong di nya ako kayang mahalin"
pero ang katangahan ko.. sa kanya ko pala na send hindi sa kapatid ko..
nagreply sya..
"wag mo na kasing mahalin ang kumag.. nawrong send ka"
ayun... lumabas din.. dahil sa simpleng pagkakamali ko..
naamin din nya na wag ko na syang mahalin.. maybe because di nya
ako kayang mahalin...
in a way... nakatulong din yun paglabas ko kasama sya..
dahil pag naiisip ko sya.. nasasabi ko na ngayon sa sarili ko..
"tama na.. wag ka ng umasa.. tama na yung isang araw na nakasama mo sya"
pero thanks pala sa kanya... libre nya yung sine at dinner.. haha..
nahiya tuloy ako... pero nung tinanong nya ako kung masaya ako....
sinabi ko ang totoo, masaya ako.. pero may part sakin na malungkot..
tapos ayun.. ngayon.. pinipilit kong wag syang itxt.. hehe..
kaya ko yan.. kaya..... kaya..... ",
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
kakalungkot naman, pero kakatuwa basahin, sino nagsulat nito.
at sino naman si Bagoong? Ikaw din ba si Anonymous?
Post a Comment